06
Nov
09

The Violator has been forgiven…

Never expected to be banned for approximately 3 days from posting in wordpress.com. I received a warning saying that I should email them about the problem for me to know the rootcause as to why they disabled my right to post. So there, I did shoot an email extending my problem and received a response from a wordpress administrator named Mark. He said:

“Hi, Could the sidebar affiliate links be removed please? We no longer allow those. When we are made aware of any other similar blogs they will be treated the same.

Thanks.”

The widgets that I thought first were the Paid-to-Click sites in my sidebar. And just to confirm, I asked him again if he is referring to that but I already eliminated those widgets before I sent the email. Then, I received a response from him saying:

“Hi, You need to clear the widget. Even where it is the system will catch it again. It looks everywhere. The blog works – until the system sees it.”

In spite of deleting the widgets, which I thought might be the reason of my warning, my eligibility for posting was still disabled. I let another day pass. On the verge of giving up, I opened my account, with a little hope of seeing the warning no more, it surprised me to see that it was not there. That only meant I got reinstated for my right to post. I love blogging in wordpress and I cannot afford to have another blogsite.

——————

When I opened my tindahannibok accounts (email, wordpress, and multiply), I received the following comments:

“hello I know its not right, the image you’ve been using in this blog site happens to be an artwork of a friend hes rhiver.deviantart.com a personal friend of mine, better contact him or give proper credits, before legal actions are needed to be applied, thank you”

“art belongs to http://www.rhiver.deviantart.com, it’s not funny to see your artwork used by others. :\ it’s called “stolen” >. >”

“.___. the artwork beside “tindahan ni bok” is belong to RH QUILANTANG. www.rhiver.deviantart.com, and i’m pretty sure even the artwork at the back of “meet the seller” is not yours too. ART THIEF.”

After reading all these comments, I immediately disabled all pics that have to do with the owner of that deviant art. I searched his name in facebook and I sent a message to him, apologizing and formally asking permission of using his artwork in my online store. Good thing, he is kindhearted enough to let me use his artwork and this owner did not even put any profane words on his reply. I salute you sir for being calm and professional. Rest assured that I’m going to put credits to your name in my site as you wish.

11
Oct
09

Why? Why? Tell ‘em That It’s Human Nature

Asan si Jayr? Andun sa CR..

Boy e-at

Hindi ko toh napapansin nung elementary at highschool. Nung college eh ayun na nga. Siguro dahil medyo conscious na sa hygiene kaya ayun napansin din, hehe. May mga time na nagdidiscuss si teacher. Hindi ko alam kung natataon lang o dahil ba sa mukha ni teacher o sa mukha ng katabi ko.. haha peace sa mga naging seatmate ko. Joke lang. Lagi kong sinasabi human nature naman toh. Okay na toh, kesa naman sa mga nahihirapan jumebs. Approximately, once per day nga lang siya kung lumabas eh *parang kuwan lang* LOL! evil smile!. Minsan naman once per 2 days. Minsan naman 5 times per week hehe. Depende sa mood ni kaibigang mga intestines. Naalala ko within class hours, sumisimple akong lumabas ng room (pero present pa din sa attendance records), naghahanap ng pinakahindi pansining CR, favorite ko sa may Law haha kasi medyo malinis kumpara sa regular na CR dun sa University na pinasukan ko. Lalo na iyong CR sa third floor ng building na iyon bagong gawa kasi LOL!..

Lagi din akong naaabutan sa labas, walang pinipiling lugar iyong kuwan ko. Kaya nga lagi akong may dalang tissue, ang nakakaasar lang eh kapag may nauna saken sa loob ng stall at kailangan ko pang maghintay at hintayin na umalis iyong amoy ng naunang nagpasabog. Nung nasa dati kong trabaho naman eh kilala din akong ganun ng mga kaibigan ko. Mga lintek na iyon. Nagcomment pa sa friendster. Iyong mga proof pakitingnan nalang sa baba haha. Tae kayo! Pero siyempre hindi ko idedelete yan.

Sabi pa nga nung nakaraang linggo ng isang bosing sa work ko ngaun, “magpatingin ka na kaya, hindi na normal iyan eh”… Ei, normal naman toh ah, normal ngang jumebs ng once a day, kasi bulgar lang talaga ko kapag najejebs kasi halatang pansin at hindi lang ako nahihiya na sabihin hehe. Pero hindi pa din perfect ang pagkuwan ko minsan kasi isa ako dun sa mga guilty na naglalagay ng tissue sa toilet bowl. LOL! Ang dugyot kasi kapag nilagay mo pa sa trash bin baka may sumabit pa. haha. Ang baboy naman ng entry na toh.. Nyahahaha!

Kaya sa lahat ng natatae lagi, mabuhay tayo mga peeps! Basta wag lang kalimutan na maglinis ng mabuti at magflush after every use to activate the anti-bacterial liquid LOL!

Scrap1

Scrap2

Scrap3

09
Oct
09

Si Pogi Lumusot sa Finals!

10092009086

tic tac tic tac… maagang nagising, kinakabahan, patingin tingin sa relo, nag-aabang baka ang araw ay bumungad na, baka bukas na ang panaderya, para makapagalmusal na, trenta pesos nga, iyong mainit pa  ha, makaligo na nga, teka init muna ng tubig, malamig, hindi na hinintay na kumulo, sarap ng maligamgam, bihis muna, ay saglit wala pang nakahandang damit, plantsa muna sa bagong kabayo, dinumihan ni Ondoy iyong dati, alin kaya?, dapat iyong presentable, dapat iyong catchy, dapat iyong magmumukhang matalino at malinis, eto nalang, ay teka iyon nalang mas maganda tingnan, teka asan iyong pantalon, ay iyong isa nalang mas fit, ay iyon dati na nga lang baka magtampo eh, eto na nga lang para fit, buti nalang may kiwi pa, konting piga, konting pahid, konting brush, iyon makintab na kahit iyong unahan lang, hindi naman napapansin iyong likod, ngayon lang naman, pogi na ba?, oo pogi na, teka isang ikot pa sa salamin, ikot ulit, isa pang ikot, ay! iyong likod may gusot, ayusin muna, pulbo muna para hindi malangis, magamit muna iyong bagong colgate total, sarap, buti may gel pa, iyon oh!, iyong buhok umaayon, mukhang kakampi siya ngayon, wala daw dapat dalhin, sarili lang, siyempre si pareng bagong cellphone sa kanang bulsa at iyong id eh sa kaliwa…

manong para!, masyado ata akong maaga, daming tumingin, mukhang madaling basahin ang nasa isip ng mga tao sa jeep, sabi nila nakalongsleeves tapos nasa jeep, sabi naman ng iba, ay ang pogi buti nagjeep, hindi ko alam kung saan lulugar, manong para!, mukha ngang maaga akong talaga, lakad ng konti, ay hindi pala, medyo malayo, ay malayo palang tunay, ilang hakbang, ate sa kuwan po, bigay ng kinse pesos, nasa mrt na, siksikan grabe, sabi ng mga tao, ay nakalongsleeves paupuin naten, nakaupo na nga, nakarating din, bumaba, tiningnan iyong sapatos baka naapakan, iyong damit baka nagusot, iyong buhok baka nahawi, hindi naman, mapogi pa din, lintek, nung isang buwan lang andun iyong pila ng jeep, ngayon andun na sa kabila, teka ikot lang ng saglit, ayun, masikip ang pulang jeep kuno na iyon, kanan, kanan, kaliwa, ayun na, manong para!, tawid muna…

asan kaya iyong kuwan, eto id ko, sa 2nd floor po, kuya eto ba iyong kuwan, sa 3rd floor po, salamat, 10:30 na, oras na, kinakabahan, wag ka kabahan, magaling ka, mapogi ka pa, magpakatotoo ka lang, ayan na, tapos na iyong nauna, mukhang mas matangkad saken, mukhang mas mapogi ako, ako na, tinawag na, galingan ko dapat, sana masindak ko, naglalakad nako, ayan na nakaupo nako, bakit dalawa kayo sa harap ko?, dalawang bosing na bigatin?, teka mukhang cool kayo ah, bakit nawala si pareng kaba?, bakit nawala si mareng tensyon?, teka parang sobrang natural ng usapan ah, ayos lang ba tayo mga bosing?, teka eto na ba iyon?, mukhang nagkwento lang ako, walang challenge iyong tanong pero kinareer pa din sa pagsagot, teka ano?, tama ba?, tapos na?, mga bente minutos lang iyon ah, pagkatay na ba iyon?, sige hintay ko kayo, bilisan nyo sa pagtawag ha, tayo na ko, alis na ko, ate id ko?, eto sir, salamat, gutom nako, tanghali na pala, kain muna ko, mukhang napanis ko naman iyong tanong, sakay muna sa shuttle nila, na shuttle ko na din sa sunod, walang tao, dami bakante, dito nalang sa may bintana, 3 minuto na, alis na, umaandar na, 10 minutos na, oi! nanginig si pareng N82, teka buksan ko muna, lock code, *****, iyon na, to! pumasa ka, talaga, ang bilis, pasado na, kelan kaya simula, iyon oh, eto na nga, sa wakas, talaga?, ang lupit naman, ang galing, ang pogi kasi…

02
Oct
09

Scammer(s) vs Jayr and Google

May isang toinks, na hindi alam kung sino ang binabangga niya, ang tumawag saken at niyayaya ako sa isang contractual project or work sa kanilang kumpanya. Habang nasa kalagitnaan ako ng mga bumubusinang sasakyan, nakikipagbanggaan sa mga tao, malalakas na sobra pa sa 1 million decibels na mga tugtog ng mga tindero, tagaktak ng pawis, mga binili na hindi alam kung pano diskartehan ang pagdala, eh may natanggap nga akong tawag. Ang pangalan nung hoodlum na iyon eh Raymond Bariso.

Etong si Raymond Bariso, eh talaga namang boses HR, eh iyon nga tinawagan ako habang sa kalagitnaan ako ng Divisoria. Tuloy – tuloy ang pagsasalita niya at hindi ko talaga siya marinig kanina at ang pobreng scammer eh nagsabi na nakuha daw niya ang phone # ko sa school ko – nirefer daw ako ng UE! May hinihintay din naman kasi akong ibang tawag pero sa iba iyon kaya naman dahil hindi ko nakuha ng husto iyong message niya eh sinabihan ko na lang tawagan ko siya ulit.

Ang sumunod eh, naghanap ako ng lugar sa divisoria na hindi maingay (buti nalang meron) at tinawagan ko nga ang scammer. Nung tumawag ako, siya ang nakasagot at tuloy – tuloy pa din siya sa pagsasalita. Halos hindi ko na nga naintindihan iyong karamihan eh. Basta ang sabi kailangan daw nila ko, pumunta daw ako sa October 3 1:30 pm sa Ortigas para sa orientation at compensation package (tapos tinext nya saken ung full address – without the company name). I should go in business attire at dapat on time because they follow American Standards. Nagpapakatunog professional (scammer) siya. Kahit na iniinterrupt ko siya hindi siya humihinto hanggang sa matapos na lang iyong conversation. HINDI MAN LANG NIYA SINABI IYONG NAME NG COMPANY. LOL!!! (Twice ko pa siyang tinext para sa name ng company at hindi na siya nagreply – wala na atang load ang Executive Director na si Raymond Bariso hahaha).

Eto pala iyong text niya, “Oct 3 130pm 15f #41 san miguel ave ortigas pasig. Beside omm citra bldng and linden suites hotel. Infront of san miguel corp. Just text me a message so I know you got this.” Ni walang name ng company diba.. Papahirapan niya pa ko kung sakali. Isa siyang malaking ekis!!!

Since alam kong sa mga ganitong pagkakataon eh maasahan si pareng google.

I googled his name (buti nalang tama ang spelling) at wapaks madaming lumabas. (Actually sa mga blogsites iyong iba dito…)

Proof # 1

Proof # 2

Proof # 3

At iyon nga, iyong company eh mejo malabo kasi mukhang nagpalit ng name basta malabo tapos networking company sila at ETO PA LAHAT NG COMMENTS EH PURO NEGATIVE HAHAHA! At hindi din ako naniniwala na nakuha nila ang number ko from my alma mater dahil hindi iyon gawain ng mga school na ibenta ang demographics mo sa mga LOSERS na company.

Please don’t be fooled by this person nor by any company na hindi nagdidivulge ng details. Kasi ang aim nila eh pag-isipin ang mga applicants para pumunta sa kanila personally. I’m sorry because my take on companies that don’t tell their whereabouts are in form of a scam. Dahil nga dito, hindi nako pupunta sa kanila mamaya haha..

This is just one of the advantages of blogging. Kaya bloggistas sama na sa blogkadahan.. hehe

28
Sep
09

Ondoy is Calling Us All

“Ma, start na naten itaas iyong mga nakalagay sa 1st layer ng cabinet kasi baka abutin ng baha (medyo kalmado pa)” – iyan ang pinakauna kong sinabi sa mama ko nang masense ko na papasukin na ang bahay namen ng bangis ni Ondoy. Iyon, hindi naniwala kaya naabot iyong unang layer nyahaha! Perstym na nangyari saken ang bahain ang loob ng bahay. Grabe iyong pakiramdam kala ko delubyo na, naisip ko iyong Noah’s ark bigla sa Bible na lagi kong naririnig nung nasa Seventh Day Adventist School pa ko at preach sa simbahan namen at sa Sunday School din. Hindi ko akalain na mararanasan ko din ang ganun. At eto pa, umabot pa siya sa baywang at pakiramdam ko eh nasa probinsya nako namen at naliligo sa may dagat. Toinks talaga. Isang napakalaking ekis…

Eto mga naranasan ko para ganahan pa kayo ng husto:

-gasul na tumagilid dahil 1/4 na lang ata ang laman

-ref na hindi mo akalain na pagkalaki-laki eh tumagilid (wala na kasing laman)

-mga ipis na nakatuntong sa sapatos na lumulutang pinipilit maka-survive

-kulay brown na tubig na may putik at mga basura at organismong kung anu-ano

-mga cabinet na biglang lumutang dahil wala ng mga damit at nakaharang pa sa dinaraanan

-mga basura ng kapitbahay na pumasok sa bahay at nagenjoy na bumisita at nagsabi pa ng “wow new environment”

-isang daan piso na lumutang from nowhere at binulsa ko agad

-mga ipu-ipo na maliliit sa baha na malakas at umaagos

-mga kapitbahay na pasan pasan ang TV, ref, at washing machine habang nabubuhusan ng mga alulod

-at maraming marami pang hindi kanais nais sa paningin. ampf!

Admittedly, I was mad for like one minute but I just thought that I’m more fortunate compared to the affected people in Marikina and Cainta. When I was watching ASAP and SOP yesterday, their segment for Ondoy helplines, I felt like helping the others could I only have the resources to somehow support them because I know that even a single peso would help. I can now appreciate the people who are extending their hands to their fellow Filipinos in facing the current catastrophe – the medium and the donors of course.

Really that ironic things sometimes happen. One minute celebrities are the ones who help and then suddenly they are the ones who need it. Caution and preventive measures must be taken into account because it may happen to anybody – to you and to your loved ones.

Pag-uwi ko sa bahay mamaya eh maggoogle ako ng mga Causes at Voluntary Acts wherein pwede ako magparticipate para at least doon man lang eh makatulong ako since okay na din ang situation namen. hey bloggistas, our nature is calling us all, actually she is yelling to us about how careless we are in treating her despite of her being so selfless.

I know that by just writing this entry would somehow enlighten some minds, if not all, to be more responsible in all of their actions. I also hope that everyone could make a difference in their own ways, if not to the world, even just to the Philippines. Let’s act… Let’s give back…




Blog Stats

  • 1,109 epals

Mah Tweets

Blog Collections

Calendar

November 2009
M T W T F S S
« Oct    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

My Flickr Photos

10152009179

10152009178

IMG_0913

1_263300909l[1]

1_518513736l[1]

1_778588141l[1]

grad combine

bokgrad_3

bokgrad_2

bokgrad_1

More Photos